IPINALABAS kahapon sa TFC Online (TFC.tv) ang talagang pinag-usapan at kaabang-abang na steamy film, ang Glorious.

Tony at Angel

Ang TFC Online ang official online platform ng The Filipino Channel (TFC) ng ABS-CBN at ang pinakamalaking at most complete and up-to-date source ng high quality, libre at premium subscription-based na binubuo ng mga serye at pelikulang Pinoy, sa labas ng Pilipinas.

Ang Glorious, na pinagbibdahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca ay ang orihinal na pelikula na produce ng Dreamscape Digital na mapapanood lamang sa Pilipinas sa pamamagitan ng iWant, ang bagong new content-on-demand digital app ng ABS-CBN, at sa labas naman ng bansa, ito ay mapapanood sa TFC Online.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mapapanood sa trailer ng pelikula ang mapangahas na relasyon ng isang middle-aged woman at isang twentysomething man, na kaagad namang nakakuha ng atensyon mula sa milyung-milyong Pinoy. Napanood ang trailer nito ng 6 milyong beses sa araw na inlunsad ito at mayroon na itong mahigit 17 million views as of this writing.

Ngunit hindi lamang mga steamy scenes ang nakatawag ng pansin ng mga netizens, naging tampok din ang mga palitan ng opinyon online hinggil age gap sa mag relasyon at sa stigma na na kaakibat nito.

Isinulat at idinerihe ni Concepcion Macatuno, ihahayag sa Glorious ang istorya ni Glory (Angel), isang 52-year-old brain tumor survivor na iibig kay Niko (Tony), ang lalaking mas bata sa kanya ng 30 taon.

Sa kasalukuyan ay sila ang hottest Filipino reel couple sa showbiz