CHARLOTTE, N.C. (AP) — Naisalpak ni Jimmy Butler ang three-pointer para sandigan ang Philadelphia 76ers sa manipis na 122-119 panalo sa overtime kontra Charlotte Hornets nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Kahannga-hanga si Butler sa huling 15 segundo ng laro. Nabutata niya ang tira niKemba Walker bago ang set-up play para sa winning three-pointer sa harap ng depensa ni Dwayne Bacon. Tumpia siya ng 15 puntos.

Nag-ambag si Joel Embiid ng 33 puntos at 11 rebounds, habang kumana si Ben Simmons ng 23 puntos, 11 rebounds at siyam na assists.

Nanguna si Walker sa naiskor na game-high 60 puntos, pinakamaraming puntos sa isanglaro ngayong season para burahin ang 52 puntos nbi Klay Thompson laban sa Chicago Bulls nitong Oktubre 29.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

MAVS 112, WARRIORS 109

Sa Dallas, naisalpak ni Luka Doncic 24 puntos, tampok ang short jumper sa krusyal na sandal para maisalba ang Golden State Warriors.

Naglaro ang Golden State na wala sina starters Stephen Curry at Draymond Green.

Naibuslo ni Doncic ang 10-footer may 1:10 ang nalalabi sa laro.

Nanguna si Kevin Durant sa Warriors na may 32 puntos, ngunit nalimitahan siya sa 1-for-7 shooting sa final period, habang kumubra si Klay Thompson ng 22 puntos. Nakamit ng Warriors ang unang back-to-back loss ngayong season.

Sa iba pang mga laro, ginapi ng New Orleans, sa pangunguna ni Anthony Davis na may 40 puntos, ang Denver Nuggets, 125-115; tinalo ng Houston ang Sacramento Kings, 132-112; naungusan ng Utah Kazz ang Boston Celtics, 98-86; nadomina ng Oklahoma City Thunder at Phoenix Suns, 110-100; dinurog ng Toronto Raptors ang Chicago Bulls, 122-83; nanaig ang Indiana Pacers sa Atlanta Hawks, 97-89, ay nanalo ang Orlanod Magic sa Los Angeles Lakers, 130-117.