SURE na napapalatak ng “glorious!” ang mga nakapanood na ng digital film na Glorious, na napanood na simula kahapon ng madaling araw, gaya ng kung paanong busog na busog ang mga mata ng mga nakapanood sa celebrity screening ng pelikula sa Santolan Town Plaza nitong Huwebes dahil sa rami ng love scenes nina Tony Labrusca at Angel Aquino, as in to the max.

Tony at Angel

Kung pagbabasehan ang maganda—at trending—na trailer ng Glorious, mula sa direksiyon ni Concepcion “Connie” Macatuno, hindi na kami nagtaka na mas maganda ang kabuuan ng pelikula.

Kaya naman ang saya-saya ng Dreamscape head na si Mr. Deo T. Endrinal, dahil positibo ang lahat ng narinig niyang feedback, at marami na nga ang inip na sa Glorious bago pa ito simulang napanood sa iWant kahapon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa celebrity screening ay nagkabiruan ang ilang matured women na dumalo, at sinabing gagayahin din nila si Glory (karakter ni Angel) para raw maging “glorious” din sila. Ha, ha, ha!

Sa pelikula, sobrang in-love sa isa’t isa sina Glory at Niko (Tony), at hindi nila sinasayang ang bawat pagkakataong mayroon sila upang maipadama ang pagmamahal nila sa bawat isa.

Nagsimula ang problema nang malaman ng pamilya ni Niko ang kanilang relasyon, at hindi sila boto dahil bukod sa pamilyadong tao si Glory ay malaki pa ang agwat ng edad nila.

Sa kabilang banda, suportado naman ng mga anak ni Gloria ang relasyon nito kay Niko, kung saan masaya ang kanilang ina ay doon sila.

Napakaganda ng location ng Glorious sa Baguio at Sagada. Ang gaganda rin ng shots ni Direk Connie, lalo na ‘yung parang lagoon. First time lang namin iyon nakita, at nagkainteres tuloy kaming makita iyon sa personal.

Pagkatapos mapanood ang pelikula ay napatanong kami sa aming sarili kung posible kayang magkaroon ng kategorya ang mga award-giving bodies, partikular sa filmmaking, para sa online digital films. Naniniwala kasi kami na deserving sina Angel at Tony na ma-nominate dahil sa napakahusay nilang pagganap sa Glorious.

Tutal naman ay ito na ang inaasahang simula ng trend ng digital movies, at eventually ay magiging online na rin marahil ang panonood ng pelikula, kaya tama lang siguro na idagdag ito sa lahat ng award-giving bodies

-REGGEE BONOAN