Nagwakas na rin ang illegal drug activities ng isang pulis at isang sundalo makaraang maaresto sila sa buy-bust operations sa Cotabato City, kamakailan.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM), kinilala ang dalawang suspek na sina Sgt. Nelson Cali ng Philippine Army, at PO3 Francis Cando.

Ayon sa PDEA, isinagawa nila ang anti-illegal drugs operation, sa pakikipagtulungan ng Cotabato City Police, sa Rufo Maniara Street, Barangay Rosary Heights 11 sa nabanggit na lungsod, nitong Nobyembre 14 ng hapon.

Nakumpiska ng mga awtoridad kina Cando at Cali ang limang pakete ng shabu at drug paraphernalia.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Natukoy sa imbestigasyon na matagal nang nag-AWOL (absent without official leave) ang mga suspek dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa drug trade sa Cotabato City at Maguindanao.

Ang dalawa ay kapwa kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act (RA 9165).

-Jun Fabon