LOVE interest nina Pauline Mendoza at Vince Vandorpe ang isa’t isa sa newest action teleserye ng GMA-7, ang Cain at Abel, na eere na sa mundo ng telebisyon beginning Monday, November 19, 2018, after 24 Oras.

Pauline Mendoza at Vince Vandorpe

Sa serye, si Pauline ay si Pat, ang conservative but feisty younger sister of Sanya Lopez, na gaganap naman bilang si Margaret. Si Vince naman ang athletic, charismatic at known as campus heartthrob na half brother ni Dingdong Dantes, na gaganap na Daniel.

Bida rin sa serye, at gaganap na kahati ni Dingdong sa title role, si Dennis Trillo.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Sa grand mediacon ng Cain at Abel, unang naka-one-on-one ni Yours Truly si Pauline and asked kung sino ang pipiliin niya between Vince at Jeric Gonzales, na lately ay nali-link sa kanya romantically?

“Ayoko pong pumili, Tita. Focus po muna ako sa work. Kung saan po may work dun po tayo. Okay kami ni Jeric at okay rin naman kami ni Vince. Work, work, work lang,” natatawang sagot ni Pauline.

Bakit may mga lumalabas na tsikang sila na ni Jeric?

“Hindi po kami mag-on, Tita,” lalong natawang sagot niya. “Tsismis lang po ‘yon. Friends lang kami. Akala lang talaga ng iba ay magka-on kami kasi sobra rin kasi ‘yung closeness naming dalawa as friends.”

How would you compare Jeric kay Vince?

“Ayoko pong mag-compare. Pareho po silang good looking. Pareho po silang magaling sa acting. Okay po silang dalawa. Gusto ko lang maging friends silang dalawa. ‘Yon lang po.”

K, noted.

Tinanong din namin si Vince: If given a chance, are you going to court Pauline in real life?

“They say, never say never…we’ve just met so hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa future, eh. Work-work lang kami dito sa Cain at Abel. Taping taping lang, ganun. But who knows, ‘di ba? There’s a saying constant togetherness develops love,” ngiting-ngiting sagot naman ni Vince na very much good looking in person, sa true lang.

So far, may mga fans na nagtatag ng PauVin love team, sa pangunguna nina Patty Par, Norma Cruz, Annamarie Navales at marami pang iba.

So, welcome PauVin love team, sa showbiz world! Ngayon pa lang ay marami nang nag-aabang sa mga magiging eksena ninyo sa Cain at Abel.

-MERCY LEJARDE