MAHILIG ka bang kumain sa mga turo-turo o mamapak ng kwek-kwek at iba pang pagkain sa lansangan at bangketa?

FIGHT HEPA C! Kabilang ang actor na si Michael de Mesa (gitna) sa mga personalidad na nagtutulak na paigtingin ang mga programa para labanan ang sakit na Hepatitis.

FIGHT HEPA C! Kabilang ang actor na si Michael de Mesa (gitna) sa mga personalidad na nagtutulak na paigtingin ang mga programa para labanan ang sakit na Hepatitis.

Mag-isip. Hindi ka ligtas sa sakit na HepatitisC.

Sa pag-aaral ng Global Burden of Disease ng Institute for Health Metrics and Evaluation, University of Washington noong 2010, ang viral hepatitis ay sanhi ng kamatayan ng  halos 1 milyon sa Asia Pacific region. Ang Hepatitis C ay isa sa binabantayang sakit sa Pilipinas at ang kakulangan sa kaalaman sa pinagmumulan, pag-iwas, pagpapagamot at pangangalaga ang malaking dahilan sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga Pinoy na tinatamaan ng karamdaman.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bunsod nito, inilusad ng Mylan, isa sa mapagkakatiwalaang  pharmaceutical companies sa mundo, sa pakikipagtulungan ng  Hepatology Society of Philippines (HSP), ang awareness campaign for HepatitisC – ang BEATHepC (Become educated, aware, tested and treated) na naglalayong maipaalam sa sambayanan ang kahalagahan para mapigilan ang pagkalat ng naturang karamdaman.

Ayon sa datos ng Department of Health (DoH), may 1% sa papolasyon ang may chronic hepatitis C.

“Chronic Hepatitis C infection may lead to serious complications such ascirrhosis and/or liver cancer. Patients with hepatitis C often do not show early symptoms and so it becomes very critical to educate the people about this infection. Early detection is key to treatment and prevention of liver disease progression. The positive news is that treatment for this disease is now easily accessible to all,” pahayag ni Dr. Jade Jamias, Liver Specialist at Pangulo ng HSP.

“Hepatitis C is a chronic public health concern in the Philippines. At Mylan Philippines we are committed to provide access to medicine for treatment of hepatitis C with the objective of reducing the disease burden. Through the BEATHepC campaign Mylan aims to create awareness around risks and misconceptions about the disease and encourage early screening and treatment to prevent the disease. We are happy to partner with HSP to drive this campaign across Philippines,” sambit naman ni Ms. Ester Tacanay, Country Manager ng Mylan Philippines.

Ang BEATHepC campaign ng Mylan at sumusuporta sa  National Viral Hepatitis Task Force (NVHTF) na naglalayong maibsan hindi man mabawasan ang paglakli ng bilang ng mga Pinoy na nagkakasakit nito.

Kabilang ang pamosong actor na si Michael De Mesa sa ‘brand ambassador’ ng Mylan sa hangaring maiparating sa taong nasa malalayong lugar sa Kamaynilaan ang buting maidudulot sa pagiwas sa mga pagkain at gawain na magiging dahilan sa pagkakasakit.