ANG Pasko ay para sa bata . Hindi maikakaila na ang Kapaskuhan ang pinakahihintay at pinananabikan ng pamilyang Pinoy at naghahanda ang lahat para sa kasiyahan ng bawat isa higit ang mga tsikiting.

KASIYAHAN sa mga paslit ang tanawin ng higanteng Christmas tree na pinatitingkad ng mga ilaw ng Firefly LED.

KASIYAHAN sa mga paslit ang tanawin ng higanteng Christmas tree na pinatitingkad ng mga ilaw ng Firefly LED.

Ngunit, ang paghahanda sa Kapaskuhan, tulad nang pagbuo ng ‘Christmas Tree’ na mas pinatitingkad ang kagandahan ng mga palamuti at pailaw ay may kaakibat na responsibilidad para sa kaligtasan ng pamilya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Walang kasingsaya ang mga bata sa pamilya pag sinisimulan na nating itayo ang Christmas tree at may kumukuti-kutitap na mga pailaw. Sa ganitong pagkakataon, hindi basta ilaw ang dapat ikabit sa ating tahanan, kailangan ang energy-saving lights at ligtas para sa mga bata,” pahayag ni Maribel Molina, category head ng Firefly Electric and Lighting Corporation (FELCO).

Para makasiguro, inilunsad ng Firefly ang pinakabagong linya ng mga Christmas lights gamit ang LED (Light Emitting Diode)na tunay na maasahan kung ang paguusapan ay isyu ng katipiran at kaligtasan.

“These lights are the only branded Christmas lights in the market today and are safe, of good quality and affordable. Only high-grade materials and products approved by the Department of Trade and Industry are used to manufacture them. The certification mark bestowed upon Firefly Christmas Bright Lights and LED bulbs by world-renowned testing and certification institute, TÜV SÜD, is proof of its impeccable quality. Firefly is the first Philippine brand bearing certification from them,” pahayag ni Molina.

“It safer than other lights being made, with high-grade materials such as copper instead of aluminum. It is also tested and deemed energy-efficient under Meralco Orange Tag Program,” aniya.

Bilang patotoo, muling inilawan ng FELCO, gamit ang 40,000 Firefly LED Bright Christmas Lights and LED bulbs ang higanteng (71-footer) Christmas tree  (71-footer) kamakailan sa SM by the Bay sa MOA. May katulad na programa rin sa SM City North EDSA, Ayala Cebu, Tiendesitas, Bradco Avenue, Aseana City at Ayala Circuit Makati.

Mapagpipilian ang LED Bright Christmas lights sa kulay na Warm White, White at RGB (red, green, blue) color variety sa halagang P439 para sa 100 ilaw.  Mabibili rin ang 400 LED bulbs na may night sky blinking effect sa halagang P2499.

Mabibili ang Firefly LED Bright Christmas Lights and LED bulbs sa mga pangunahing hardware, supermarkets at bookstores  sa buong bansa.

“Aside from Christmas lights, Firefly is known for its LED bulbs, which have been proven to last up to two times longer than other LED bulbs. The LED bulbs are energy efficient, ensuring greater savings. Compared to traditional CFL bulbs, Firefly LED bulbs shine brighter by as much as 50 percent,” ayon kay Molina.