ILOILO CITY - Magpapatupad ng tatlong buwan na fishing ban sa Visayan Sea, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay BFAR-Western Visayas director, Remia Aparri, epektibo ito simula Nobyembre 15 ng taon hanggang Pebrero 15, 2019.

Layunin, aniya, ng taunang fishing ban na maisalba ang bumababang populasyon ng tatlong uri ng isda sa Visayan Sea, ang isa sa pinakamalaking fishing ground ng bansa.

Kabilang sa tinukoy nitong isda ang Haul-Haol (sardines), Japayuki (mackerels), at tawilis (herrings).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sapat na umano ang nasabing panahon upang dumami ang naturang mga isda.

Saklaw ng fishing ban ang Gigantes Island sa Iloilo province; Olutayan Island sa Culasi Point sa Capiz province; kanlurang bahagi ng Guimaras Strait; northern Negros Island; at sa northeastern tip ng Bantayan Island sa Cebu province.

Nanawagan din ang BFAR sa mga local government unit na tumulong sa implementasyon nito.

-Tara Yap