TAGUM CITY – Nadagdagan na naman sa tourism destination dito sa pagbubukas ng Sunflower Garden, sa tapat ng New City Hall of Tagum, nitong Nobyembre 12.

Nang kilalanin ang Tagum bilang City of Parks, hindi na nakagugulat na magtatayo pang muli ng ganito. Sa simula, isang pansamantalang sunflower hill ang binuksan sa publiko. At naging patok ito sa mga Tagumenyos at maging sa mga tao sa kalapit na bayan.

Namangha ang mga tao sa lugar at naging viral ito sa social media, na naging dahilan upang maisipan na paunlarin ang naturang lugar.

Tinaniman ang lugar ng 8,500 yellow-corona seedless variety ng sunflower na may 0.3 metro ang layo sa bawat hill. Mabubuhay ang mga ito sa loob ng isang buwan o 30 hanggang 35 araw. Ang laki ng bulaklak ay nasa 18 hanggang 21 centimetres.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa kasagsagan ng pagpapasinaya, sinabi ni Mayor Allan L. Rellon na ang mga taong nasa likod ng pinakabagong atraksiyon ay nagpakahirap upang maibigay ang pinakamaganda para sa mga Tagumenyos.

Sinabi ni Rellon na bukas ang lokal na pamahalaan sa pagpapa-book sa Sunflower Garden para sa proposals, pre-nuptials ats kasal.

Samantala, nakatakdang pailawan ang Holiday Tree ng pamahalaan sa Nobyembre 18.

Imbitado ang lahat na masaksihan ang pagpapailaw kung saan ang mga department heads ng LGU ay magsusuot ng mga Disney character costumes.

-JP Cordovero/CIO Tagum