NAIPUWERSA ni Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa (ELO 1342) ng Pilipinas ang draw kontra kay Elizaveta Andrukhovich (1508) ng Belarus para mapanatili ang kanyang tsansa sa top 30 finish matapos ang tenth at penultimate round ng World Cadets Chess Championships nitong Huwebes (Manila time) sa Santiago de Compostela, Galicia, Spain.

Nauwi sa draw ang laban matapos ang 30 moves ng Pirc na naging dahilan para mapataas ng 11-anyos ang kanyang kartada sa 4.5 points sa Under 12 girls division ng 107-player strong field World Chess Federation (FIDE) tournament.

“Napuwersa sa draw. Mahirap na din magpumilit.” sabi ng ama at tumatayong coach na si Roberto Racasa.

Itinataguyod ang paglahok niya rito ng Philippine Sports Commission, National Chess Federation of the Philippines, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, councilor Charisse Marie Abalos-Vargas, Herminio “Hermie” Esguerra of Herma Group of Companies at sportsman Reli de Leon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Suportado din siya nina Rotary Club of Pasig thru Eng’r Rogelio Lim, Dr. Jess Acantillado at Philippine Executive Chess Association (PECA) President lawyer Cliburn Anthony A. Orbe na naka iskeydyul na makalaban si Gauri Menon (1592) ng Estados Unidos sa eleventh at final round.

Samantala, binigo ni Savitha Shri B (1745) ng India si Marta Dakic (1756) ng Serbia para manatili sa ituktok ng liderato sa pagtipon ng 9.5 points mula sa nine wins at draw matapos ang sampung laro na angat naman ng kalahating puntos kay Woman Candidate Master (WCM) Umida Omonova (1854) ng Uzbekistan na nagwagi naman kontra kay Boramanikar Tanisha S (1716) ng India.