Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang isang “watchlist” ng mga pulitikong mayroon umanong mga private armed group (PAG) laban sa mga kalaban nila sa pulitika.

Ito ang ibinunyag ni PNP Chief Director General Oscay Albayalde at sinabing may hawak din silang listahan ng mga pulitikong nagbibigay ng protection money sa New People’s Army (NPA).

Gayunman, nagsasagawa pa ng assessment at validation ang mga opisyal ng ng Directorate for Integrated Police Operations ng PNP kaugnay ng nasabing usapin.

Posible rin aniyang madagdagan pa ang bilang ng mga pulitikong dawit sa mga katulad na aktibidad.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Naiulat na may 77 aktibong PAG ang kumikilos sa bansa, ngunit kinukumpirma pa ito ng pulisya.

Karamihan sa mga ito, ayon kay Albayalde, ay nag-o-operate sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

-Jun Fabon