AMINADO si Piolo Pascual na pinagsisisihan niya ang pagpatol minsan sa mga basher sa social media, pero sinabing kailangan ding ilagay sa lugar ng ilang netizen ang pagko-comment laban sa iba pang social media users.

Matatandaang nakatikim ng mura mula sa hunk actor ang netizen na si @xhmphatica na nagbigay-malisya sa birthday greeting ni Piolo para sa kapatid niyang babae, si Pat.

Sa kanyang Instagram post nitong October 14, ibinahagi ni Piolo ang litrato nila ng isang babae na tinawag niyang “best friend” at “my one and only Bubi”.

Sa comment ni @xhmphatica, sinabi niyang baka boyfriend ni Piolo ang pinatutungkulan nito sa nasabing message.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Malinaw na binigyang-malisya ang post ni Piolo, dahil hindi kilala ng karamihan na kapatid ng aktor ang babaeng nasa picture.

Aminado si Piolo na bilang tao ay nauubos din ang kanyang pasensiya, kaya hindi niya napigilang murahin ang malisyosong netizen.

“Once in a while matitiyempuhan ka lang na wala ka sa hulog. ‘Yung mga ganung pagkakataon, minsan sisisihin mo ang sarili mo kung bakit ka nagpadala, pero siyempre tao lang.

“Then after that not naman, erase... I take out my Instagram app, kasi ‘yung mga ganung bagay ‘di dapat pinapatulan.

“Pero you also have to put them in their place because they also forget it’s a private account. Even if I’m a public property, it’s still my account, I have the right to say whatever I want to say.

“Just also to remind them na madaling mag-bash pero may repercussions din ‘yun.”

Nangyari raw ang sagutan nila ng netizen bago umalis ng bansa si Piolo para sa Father And Son U.S and Canada Tour 2018 nila ni Iñigo Pascual.

Sa puntong ito, masayang ibinahagi ni Piolo na matagumpay ang naging tour nilang mag-ama, kasama sina Maris Racal, Wacky Kiray, at Pokwang.

“The tour, it was a success, we have a lot of inquiries for next year. Mayroon na kaming dalawang confirmed na tour, hopefully. We can expand it kasi ang ganda ng response ng tao, and we’re very excited. At least, I just don’t travel with my son but tour with him. “Magkasama na kaming nagtatrabaho, kumikita pa kami. We were both happy and excited about it, spending our time together and doing work together.”

-Ador V. Saluta