SI Jomary “The Zamboanginian Fighter” Torres ay may magandang pagtatapos sa kanyang 2018 dahil makakatapat niya ang two-time ONE Women’s Atomweight World Title contender Mei “V.V” Yamaguchi ng Japan sa December 7.
Maglalaban silang dalawa sa undercard ng ONE: DESTINY OF CHAMPIONS na gaganapin sa state-of-the-art Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
May 11 na laban na gaganapin at pangungunahan ito ng isa sa pinakamatagupay na Muay Thai athletes ng Thailand na si Yodsanklai IWE Fairtex na inaasahan na ang kanyang ika-200 na panalo sa laban nila ni Luis Regis ng Australia sa isang ONE Super Series Muay Thai Featherweight bout.
Inumpisahan niya ang taon ng may isang knockout win laban sa kababayan na si April Osenio noong January. Ang 22 anyos na Pinay ay nakatikim ng una niyang talo bilang isang professional mixed martial artisit noong September sa laban nila ng Indonesian prospect na si Priscilla Hertati Lumban Gaol.
Dahil nabigyan ng panibagong pagkakataon upang ipakita ang galing niya, desidido si Torres na manalo sa pagbabalik niya sa laban kasama ang nangunguna sa 52.2 kilogram weight class.
Ang babaeng makakaharap niya ay si Yamaguchi, isa sa mga nagsimula ng Japanese mixed martial arts scene na may record na 17-11-1 na may siyam na pinasuko niya o kaya ay knockout.
Ang 35 anyos na galing Tokyo, Japan ay muntik nang maging ONE Women’s Atomweight World Champion nang maging unanimous decision ang laban niya kay Singaporean star Angela Lee nitong nakaraang May.
Tulad ni Torres, si Yamaguchi ay umaasa na makabalik sa pagiging panalo at manatiling isa sa mga nangungunang contenders sa female atomweight bracket ng promotion.
Nakaiskedyul din para sa ONE: DESTINY OF CHAMPIONS ang dating former ONE Welterweight World Title challenger Agilan "Alligator" Thani na makakalaban si Kiamrian Abbasov ng Kyrgyzstan.
Maliban kay Thani, tatlo pang Malaysian stars ang makikipaglaban sa harap ng maraming tao sa Axiata Arena.
Makakalaban ni Gianni Subba ang Chinese grappling wizard Ma Hao Bin sa isang three-round flyweight encounter, habang si Jihin “Shadowcat” Radzuan naman ay makakaharap ang dating ONE Women's Atomweight World Championship contender Jenny “Lady GoGo” Huang ng Chinese Taipei.
Magkakaroon ng unang representative ang Malaysia sa ONE Super Series sa katauhan ni Mohammed “Jordan Boy” Mahmoud at makakatapat niya si Stergos “Greek Dynamite” Mikkios.