PATULOY ang pagmamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ng iba’t ibang gamit sa pag-aaral, katulad ng mga aklat sa mga mag-aaral ng mga paaralang pang-elementarya sa buong lalawigan upang maisulong ang pagpapahalaga sa pagbasa.
Ibinahagi ni Matilde Neri, pinuno ng Provincial Education Office, nitong Miyerkules ang pamamahagi ng nasa 84,563 materyales sa pagbabasa sa iba’t ibang lungsod at bayan sa probinsiya sa Centennial Arena, sa lungsod ng Laoag nitong Martes.
Ayon kay Neri, ang aktibidad nitong Martes ay ikalawang bugso ng programang pamamahagi ng mga aklat ng probinsiyal na pamahalaan na ang simula nitong Oktubre, kung saan nasa 8,000 aklat ang ibinigay sa 24 na pampublikong paaralang elementarya sa bayan ng Dingras.
“The book distribution program is a big help to our schools, parents and learners,” pahayag ni Rochito Duque, Education Program Specialist of the Ilocos Norte Schools Division, kasabay ng pagdidiin na malaki ang naitutulong ng mga aklat upang matamo ang de-kalidad na edukasyon ng mga magaaral sa 21st century.
Pinondohan sa ilalim ng Special Education Fund of the province, ang pamahalaang panlalawigan ang bumili ng mga aklat at iba pang materyales sa pagbabasa, para sa mga asignaturang Agham, Ingles at Filipino mula kinder hanggang ikaanim na baiting.
Lubos ang pasasalamat ni Joselyn Aribuabo, Senior Program Specialist ng City Schools Division ng Batac, sa pagkakatanggap nila ng mahigit 5,000 aklat para sa kanilang mga mag-aaral na dagdag sa kanilang iba pang mga aklat at computer na una nilang natanggap.
Pagbabahagi ni Aribuabo, may mga paaralan pa rin sa Batac na salat sa mga materyales pang-edukasyon kaya malaking tulong ang mga ipinamahaging aklat na gagamitin bilang suplementaryong gamit sa kanilang pag-aaral.
PNA