HOST ang Dumaguete City sa Beach Volleyball Republic on Tour – tampok ang 20 local and international pairs (10 babae at lalaki) – sa Lunes sa Rizal Boulevard Court.
Pangungunahan ng tambalan nina Charo Soriano at Bea Tan ng Perlas ang women’s class,laban sa matitikas na koponan na kinabibilangan nina newly-minted UAAP champion Babylove Barbon at Genesa Eslapor ng University of Santo Tomas.
Matagumpay ang pagbabalik-aksiyon ni Soriano nitong nakalipas na buwan sa El Nido leg nang magwagi ang tambalan nila ni Tan, habang makakasama ni Barbon, kasangga si Sisi Rondina sa Manila Open nitong Agosoto, si Eslapor.
Mapapalaban sila sa foreign team nina Samaa Miyagawa ng Japan, Tin Lai ng Hong Kong, at Tati Sablan ng Guam, samantalang liyamdo rin ang tambalan nina Mitabashi Masato at Takashi Tsuchiya ng Japan sa men’s side.
Nagsisilbing ‘level up’ meet ang BVR para sa mga dating collegiate at commercial beach volleyball players.
Sa men’s class, mapapanood ang tambalan nina dating UAAP champion KR Guzman at Krung Arbasto, gayundin ang host Dumaguete - Reynald Catipay at Buensuceso Sayson, at Jestorni Tubosa at Jayron Eltanal.
Ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ng torneo ang BVR sa Dumaguete City, nagdiriwang ng ika-70 taon anibersaryo.
Ikinalugod ni Mayor Felipe Antonio Remollo ang pagkakapili sa Dumaguete bilang bahagi ng mapa sa sports development, higit sa beach volleyball.
Mapapanood din sa women’s division sina Coyah Abanto at Jen Acain (Air Force), Erjane Magdato at Alexa Polidario (UNO-R), Mahriz Cosain at Bianca Lizares (USLS), Dij Rodriguez at Dannah Jimenez (Cebu), Angelina Damas at Grace Barrica (Dipolog), at Jennymar Senares at Jennifer Cosas (Bacolod).
Sa men’s division, lalaro rin sina Jessie Lopez at Ranran Abdilla (Air Force), Efraim Dimaculangan at Rancel Vergara (UST), Simon Aguillon at Ralph Savellano (Bacolod), Deanne Neil Depedro at Harold Parcia (USLS), James Buytrago at Edward Camposano (NU), at Mikhail Shavrak at Mike Abria (Wildcard) .