Matapos matalo sa katatapos niyang laban sa ONE Championship stage, ang dating ONE Featherweight World Champion Honorio “The Rock” Banario ay determinandong maibabalik ang panagaln niya sa listahan ng mga panalo.
Makakaharap ni Banario si “Crazy Dog” Dae Sung Park ng South Korea sa undercard ng ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Manila, Philippines sa Biyernes ika-23 ng Nobyembre
Ang limang sunod sunod na laban niya na walang talo ay nahinto nitong nakaraang Setyembre matapos siyang mapasuko ng Singaporean sensation Amir Khan sa unang round sa ONE: BEYOND THE HORIZON sa Shanghai, China.
Ito ang pangatlong laban ni Banarion ngayong 2018 at ang 29 anyos na tiga Baguio City ay walang planong madagdagan pa ng pagkatalo ang kanyang rekord.
“It was a tough loss, and it made me realize of the things I still need to work on in my overall game,” he said. “I’ve learned my lessons the hard way, but it motivates me to step up my game further.”
“This is a perfect opportunity for me to end the year right. I split my previous two matches this year, and I don't have any plans of losing again, especially that I’ll be competing in front of a passionate Manila crowd on 23 November. I don’t want to lose in front of my countrymen,” dagdag ni Banario.
Matapos ang pagkatalo niya niya sa mga kamay ni Khan, napilitan si Banario na balikan ang mga nagawa niyang mali sa laban nila ng Singaporean star.
Sa kabila ng pagkatalo niya, sinigurado ni Banario na mas pagbubutihin pa niya sa hinaharap.
“I learned from it. I believe that’s it’s important. I am fully aware in case it happens again. It’s one of the good sides of losing,” saad niya.
Binigyang diin ni Banario na gumawa na siya matinding pagbabago sa kanyang preparasyon at plano para sa nalalapit niyang laban kay Park.
“I have made other adjustments. I don’t want to be complacent because everyone in our division is already making their move to bolster their status in the division. The lightweight division is stacked, and every match will have a huge impact in the rankings," paliwanag niya.
Pinapangako ni Banario na ibibigay niya ang lahat sa laban nila ni Park upang makablik ulit sa pagiging panalo.
“I want to end the year on a high note and start 2019 carrying a win against a tough opponent. I will give my best in this bout. I will leave everything on the line,” paglalahad niya.