DALAWANG Pinoy boxer ang natalo sa magkahiwalay na sagupaan sa Russia at Thailand kamakailan.
Nabigo si super featherweight Jovylito Aligarbes nang makalasap siya ng pagkatalo via 5thround knockout kay dating WBO Asia Pacific Youth featherweight champion Mark Urbanov noong nakaraang Nobyembre 10 sa RCC Boxing Academy, Ekaterinburg, Russia.
Bumagsak muna sa 2nd round si Aligarbes pero na-groggy siya eksaktong 1:40 mark sa 3rd kaya itinigil ni Russian referee Roman Petrov ang sagupaan at ibinigay ang panalo kay Urbanov.
Nakalasap naman ng unang pagkatalo sa 12-round unanimous decision ang Davao City-based na si Joel Lino nang talunin siya ni world rated Masataka Taniguchi ng Japan sa kanilang sagupaan para sa bakanteng WBO Asia Pacific minimumweight title noong nakaraang Nobyembre 13 sa Bangkok, Thailand.
Nakipagsabayan si Lino kay Taniguchi ngunit nanalo ang Hapones sa scorecrads ng tatlong hurado na pawang mula sa Thailand.
Inaasahang papasok sa WBO rankings si Taniguchi na kampeon ang Pilipino na si Vic Saludar at aangat sa IBF rankings na nakalista siya bilang No. 5 contender sa bakanteng titulong paglalabanan nina No. 1 contender Marko Anthony Barriga ng Pilipinas at No. 3 ranked Carlos Licona ng Mexico sa Disyembre 1 sa Staples Center, Los Angeles, California sa United States.
-Gilbert Espeña