Idineklara ng Simbahang Katoliko na aabot sa 10 diocese sa bansa ang bakante o walang nangangasiwang obispo sa kasalukuyan.

Bukod dito, apat pang diocese ang napipintong mabakante sa susunod na mga araw dahil na rin sa nalalapit na pagbibitiw sa puwesto ng mga obispong nakatalaga sa lugar.

Sa pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), tinanggap na ni Pope Francis ang maagang pagbibitiw ni Bishop Edgardo Juanich, mula sa Apostolic Vicariate ng Taytay, dahil na rin sa hindi magandang lagay ng kalusugan nito.

Si Father Reynante Aguanta ang hinirang ng Santo Papa upang pansamantalang pumalit kay Juanich.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Bukod sa Taytay, wala ring obispo ang diocese ng Butuan City matapos na pumanaw si Bishop Juan de Dios Pueblos noong Oktubre 2017; gayundin ang diocese ng Daet nang ilipat naman sa Archdiocese ng Lipa City, Batangas ang ngayo’y si Archbishop Guilbert Garcera.

Wala ring obispo ang mga diocese sa Iligan City, Isabela, at Jolo.

-Mary Ann Santiago