PARADISE, California (AP) — Sa patuloy na pagkawala ng 130 katao, patuloy ang pagkilos ng National Guard troops sa pagsagip sa mga biktima ng kahindik-hindik na wildfire sa California.

Nakiisa si Interior Secretary Ryan Zinke kay Gov. Jerry Brown sa pagbisita sa Paradise sa California, at sinabi sa mga mamamahayag na ito ang pinakamatinding sunog na kanilang naranasan.

“Now is not the time to point fingers,” ani Zinke. “There are lots of reasons these catastrophic fires are happening.” Binanggit niya ang napakainit na temperatura, patay na puno at matamlay na forest management.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline