Para mas mapalakas pa ang integridad at maiwasan ang katiwalian sa sangay ng hudikatura, lumikha ng dalawang bagong tanggapan ang Supreme Court (SC).

Sa pamamagitan ng En Banc Resolution No. 18-01-5, inaprubahan ng Korte Suprema ang rekomendasyon ng Technical Working Group sa paglikha ng Judicial Integrity Board (JIB) at Corruption Prevention and Investigation Office (CPIO).

Ang JIB ang tututok sa mga reklamo laban sa mga tiwaling mahistrado, hukom at court personnel, at binubuo ng chairman, vice chairman, at tatlong appointed regular members na may tatlong taong termino.

Ang CPIO naman ang magsasagawa ng lifestyle check sa kanila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

-Beth Camia