SA makasaysayang pagtatagpo ng dalawang kinikilalang personalidad sa bansa, ipinagkaloob ni PBA star Terrence Romeo ang tulong pinansiyal sa programang ‘Marawi Rehabilitation’.
Mismong si Romeo, miyembro rin ng Gilas Pilipinas, ang gumawa ng hakbang at paraan upang makausap si Padilla na itinuturin niyang ‘Idol’ at maibigay ang kontribusyon para sa mga programang sinusuportahan nito para maibalik ang ayos at kabuhayan ng mga mamayan na nasalanta sa gusot sa pagitan ng rebelde at militar.
Ikinalugod ni Robin ang ginawang aksiyon ni Romeo.
“Itong Marawi rehab project namin, mga artista ang nagdo donate. This is the first time a basketball player supported our cause and i would like to thank Terrence for this,” pahayag ni Padilla.
Hindi naman mailarawan ang sayang narandam ni Terrence nang makaharap at makamayan ang itinuturin niyang idolo.
“Ever since high school, idol ko na si Sir Robin. Wala akong pelikula niya na pinapalagpas. I am just too happy to be supporting him in this project at karangalan ko ring makatulong sa mga taga Marawi.”
Peronal na inimbitahan ni Robin si Terrence sa Marawi para masaksihan niya ang mga ginagawang charity project sa lalawigan.
“Any time I would make myself available,” pahayag ni Romeo.
“I hope the other basketball players will also help Marawi.”