NARESBAKAN ni Philippines youngest Woman Fide Master (WFM) A n t o n e l l a B e r t h e “Tonelle” Murillo Racasa (ELO 1342) si Manoush Toth (1576) ng Switzerland matapos ang magkasunodna kabiguan sa World Cadets Chess Championships nitong Miyerkoles sa Santiago de Compostela, Galicia, Spain.
Ang panalo ay naghatid sa 11 anyos na si Racasa sa apat na puntos matapos ang siyam na laro na nakatutok sa top 20 finish sa Under 12 girls division.
“Yes! Antonella demolished her highly rated Swiss opponent in round 9. The difference in their Fide rating is a whopping 234 points. Praise God for this victory. Philippines (1342) Vs Switzerland (1576),” pahayag sa text message ng ama at coach na si Roberto Racasa.
Ang kanyang European trip ay suportado ng Philippine Sports Commission, National Chess Federation of the Philippines, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, councilor Charisse Marie Abalos-Vargas, Herminio “Hermie” Esguerra of Herma Group of Companies at ni sportsman Reli de Leon.
Itinataguyod din siya ng Rotary Club of Pasig thru Eng’r Rogelio Lim, Dr. Jess Acantillado at Philippine Executive Chess Association (PECA) President lawyer Cliburn Anthony A. Orbe.
Sunod niyang haharapin si Elizaveta Andrukhovich (1508) ng Belarus sa tenth at penultimate round.
Samantala ay ginapi ni Savitha Shri B (1745) ng India si Julia Volovich (1735) ng Switzerland para manatili sa ituktok ng liderato na may natipong 8.5 points mula sa eight wins at draw matapos ang siyam na laro at angat ng kalahating puntos kontra kay Woman Candidate Master (WCM) Umida Omonova (1854) ng Uzbekistan na tinalo naman si Woman Fide Master Margarita Zvereva (1787) ng Russia.