DAVAO CITY - Nangako ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na malilipol na nito ang lahat ng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bansa sa 2019.

Ito ang inihayag ni AFP chief of staff General Carlito Galvez, Jr., nang bumisita siya kamakailan sa Eastern Mindanao Command (EastMinCom) headquarters.

Kumakaunti na, aniya, ang mga rebelde dahil na rin sa pinaigting na military operations sa kabundukan sa bansa.

Sinabi ni Galvez na marami na ang nabawas sa kilusan dahil aabot na sa 11,333 kaanib nito ang sumuko na sa pamahalaan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod dito, nalansag din ng EastMinCom ang pitong guerrilla fronts na nag-o-operate sa mga remote area, kabilang na ang Davao City, ayon kay Galvez.

“We are vert confident that by 2019 we will be finishing the CPP-NPA,” aniya.

Minaliit naman ni Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao ang naging pahayag ni Galvez.

“Parang sirang plaka ang AFP, ilang ulit na nilang sinabi ‘yan,” pahayag ni Casilao.

Ilang Pangulo na, aniya, ang nagsabi nito ngunit hindi pa rin natatapos ang kanilang problema sa mga rebelde.

“If the very roots of the armed conflicts are not addressed in a proper perspective I think can will continue to exist,” sabi pa ni Casilao.

-Armando Fenequito