KAILAN lang ay napanood sa ASAP ang dance number ng mag-amang Gary Valenciano at Gab Valenciano. Todo-hataw, ‘ika nga, ang mag-ama, lalo na si Mr. Pure Energy.

Gary V

Habang aliw sa panonood ang mga audience, hindi rin maialis ang pag-aalala ng kanyang fans dahil nitong mga nakaraang buwan lang ay sumailalim sa dalawang major operations si Gary V.

Nitong May, Gary had an open heart surgery, and in June, a part of his kidney was removed because of kidney cancer.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Minsan nakakatakot na nga, baka ‘yung iba isipin na gimmick-gimmick lang ‘yan,” kuwento ni Gary sa PEP.

“Pero miraculous talaga para sa akin. Dumating na rin ako sa punto na, kailangan pa ba or baka kailangang mag-slow down nang konti. At talagang nangyayari ‘yan dahil nangyari nga sa lahat,” dagdag pa ni Gary. “Pero sa ngayon, kaya pa rin.”Ngayong siya’y 53 years old na, naiisip din niyang mag-slow down sa trabaho.

“Yes, I’ve thought about it na. Kasi bago ko pa maramdaman ‘yung sakit sa dibdib ko, meron na rin akong mga thoughts na siguro, kailangan ko nang mag-slow down.

“Pero, slow down lang, kumbaga, kung may concert ako para sa press, sa media, siyempre, gagalaw ako. Pero kung mga concert like Araneta, Pure Energy, that, I can slow down.”

Ibinahagi rin ni Gary ang naramdaman niya after his open heart surgery. Inakala niyang hindi na niya magagawang mag-perform the way he used to do?

“Yeah, kasi nagkaroon pa ako ng post-surgical depression. Talagang nangyayari raw ‘yan sa mga patients. Eh ang problema ko, hindi lang isa, dalawang surgery. Habang gumagaling ako rito, natamaan ako sa kidney ko so it became two surgeries.

“So talagang pumasok sa isip ko na ‘yung tipong, ‘kapagod ‘to’, magwo-workout na naman ako, tapos gagawin ko na naman ang lahat para umabot dun sa dati’. Baka sobrang mataas ang expectation ng tao sa akin.

“At saka, marami na rin ang kumausap sa akin na, ‘Huwag kang ma-pressure, wala ka na rin namang kailangang patunayan sa tao’.”

‘Yun nga lang, nasa puso ni Gary ang mag-perform, ang magpasaya.

“It’s really that, kasi once I go on that stage na hindi na ako nag-e-enjoy, hindi na talaga puwede.”

Nakakaramdam pa rin daw siya ng excitement kapag siya ay nagpe-perform sa ASAP, o kahit sa pagiging hurado sa It’s Showtime.

“Medyo excited na nga ako kung ano pa ang darating. Kasi, meron pa kong ideas, e.”

Isa sa mga plano ni Gary ay isang major concert next year, but more than that, he is planning for the next five or ten years of his career.

“I think binanggit ko ito before three or four years ago. Maybe, ako ay magko-contribute sa career ng iba. Hindi na ako ang mag-e-execute, iba na ang mag-e-execute. Maybe someday I can help out with somebody else.”

Aware din si Mr. Pure Energy na hindi pa siya 100% fully recovered sa mga operasyong pinagdaanan.

“It’s refreshed, but hindi pa siya umaabot sa one hundred percent [gaya ng] dati. Mga nasa 85 to 90 percent, kasi, masyadong mataas ang standard ko para sa sarili ko. Ako ang pinaka-critic sa sarili ko. Vocally, I’m okay kasi three months din after na nangyari to, tagal bago ko kumanta ulit.

“At least now I can say, vocally, I’m okay, I’m back. Physically, nasa gym ako ulit, and, I think, mas malakas pa nga ako sa gym ngayon.”

For someone like him who is a diabetic, his recovery from his two surgeries has been swift.

“For a diabetic, ang bilis, ang bilis ng healing,” masaya niyang pahayag. “I think, it was God. I think, meron pa siyang gustong ma-fulfill, and until it’s done and over...”

Maging ang kanyang asawang si Angeli Pangilinan ay nagsasabing “miracle” ang mabilis na paggaling at recovery ni Gary.

“Yeah, miracle talaga. Okey lang sana kung block lang sa heart, ninety five percent yung block ‘tapos nandoon pa sa artery na ‘yun ang dahilan sa karamihan ng heart attack na nangyayari.

“It’s miraculous because hindi nangyari on national TV. Doon ko naramdaman, eh. Sabi ng doctor ko, maaaring isang talon na lang, pumutok na ‘yun.

“Kasi, na-shock ang doctor ko noong angiogram. Hindi niya maintindihan kung bakit ‘yung puso ko at mga ugat, it’s a heart attack of a 20 years plus. Ganun kalinis, pero ‘yung isang ugat na ‘yun, that’s the miracle itself.

“Sabi rin ng doctor ko, kung pumasok daw sila sa kidneys ko at hindi nila alam ang status ng heart ko, baka sa pagbigay lang sa akin ng anaesthesia, pumutok na ‘yun. Kaya sabi niya, orchestrated pa rin,” sabi pa ni Gary.

-ADOR V. SALUTA