HAHAMUNIN ni world rated Joey Canoy si IBO minimumweight champion Simphiwe Khonco sa Enero 12, 2019 sa Orient Theatre, East London sa Easter Cape, South Africa.

Ito ang unang kampeonatong pandaigdig sa mga Pinoy boxer sa 2019 kaya umaasa si Canoy na hindi na mauulit ang pagkatalo niya via 8th round TKO kay dating IBO light flyweight champion at WBA junior flyweight titlist ngayon na si Hekkie Budler sa kanyang unang laban sa South Africa noong Pebrero 4, 2017 sa Emperors Palace, Kempton Park, sa lalawigan ng Gauteng.

Na-upset ni Canoy si WBC No. 3 minimumweight Melvin Jerusalem noong Hulyo 8, 2017 sa Brgy. Mabolo, Cebu City makaraan niyang mapabagsak ito sa 7th round para magwagi via 10-round unanimous decision bago pinatulog ang beteranong si Rodel Tejares sa 3rd round noong Nero 21, 2018 sa General Santos City, South Cotabato.

May rekrod si Khonco na 19 panalo, 5 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts at huling naidepensa ang kanyang titulo via 12-round unanimous decision sa mga Pilipinong sina Lito Dante at Toto Landero.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May rekord si Canoy na 14- 3-1 a may 7 panalo sa knockouts at nakalistang No. 11 contender kay WBO minimumweight champion Vic Saludar na isa ring Pilipino.

-Gilbert Espeña