Hindi pasok sa suggested retail price (SRP) ang tatlong klase ng isda na ibinebenta sa ilang palengke sa Quezon City.
Ito ang natuklasan ni National Director Commodore Eduardo Gongona sa ginawa niyang inspeksiyon sa palengke sa Tandang Sora at sa Muñoz Market.
Sa Tandang Sora market, ang bangus ay nasa P180-P200 per kilo, lampas sa SRP na P150 kada kilo.
Ang galunggong ay ibinebenta ng P160-P170, gayong ang SRP nito ay P140.
Sa tilapia, ang SRP ay P100 pero ibinebenta ito sa P110-120 bawat kilo.
Ayon naman sa mga tindera, ang presyo nila ay nakadepende sa nagbabagsak ng isda sa kanila.
Pero sa ngayon, ayon kay Gongona, warning lang muna ang maaari nilang magawa sa mga lalabag na vendor.
Plano ngayon ng BFAR na i-review ang kanilang SRP para makita kung akma pa ito sa kasalukuyang sitwasyon.
-Beth Camia