Pansamantalang nagtalaga si Pope Francis ng pari na magsisilbing administrator ng Apostolic Vicariate ng Calapan sa Oriental Mindoro dahil na rin sa kondisyon ng kalusugan ni Bishop Warlito Cajandig.
Ang pagkakatalaga kay Fr. Nestor Adalia, 63, Vicar General ng Calapan, sa naturang posisyon ay inihayag sa Vatican nitong Lunes.
Nauna rito, na-stroke si Cajandig, 74, noong Setyembre 1 at kinailangang sumailalim sa brain surgery sa Cardinal Santos Hospital sa Quezon City, at nagpapagaling pa ngayon.
-Mary Ann Santiago