PANAUHIN ng Laffline comedy bar si Vice Ganda nitong November 9 at 10. Jampacked crowd ang nanood sa kanyang pagbabalik-comedy bar. Nakitawa, nakikanta at nakipagbiruan si Vice sa mga madlang pipol na dati niyang ginagawa no’ng hindi pa siya host ng It’s Showtime.

Vice

Sa panayam kay Vice sa backstage, sinabi niyang ang muli niyang pagtatanghal sa mga comedy bar ay bahagi ng paghahanda niya sa nalalapit niyang guestings sa concert ni Regine Velasquez sa susunod na taon.

“Iba ‘yung training dito, eh, and since magko-concert ako next year with Regine Velasquez, kailangang mag-practice,” ani Vice.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Tungkol naman sa kanyang love life, naiulat sa TV Patrol kamakailan ang pagtanggap niya ng jersey mula sa PBA basketball star na si Calvin Abueva pagkatapos ng laro nito, with matching yakap at beso pa sa gitna ng hardcourt.

Si Calvin ang nali-link ngayon kay Vice, na laging ibinubuking ni Vhong Navarro kapag nagbibiruan sila sa It’s Showtime.

Bagamat walang pag-amin o pagde-deny sa tuksuhan na sila na nga, nakakaintriga ang mga naging pahayag nina Vice at Calvin tungkol sa “special friendship” na namamagitan sa kanila.

Makahulugan din ang sinabi ni Vice kung ano ang pinakamabigat niyang naging sakripisyo sa love.

“Magpalaya. Hinayaan ko siyang maging malaya. Pinalaya ko din ‘yung sarili ko sa sakit, sa hinanakit, at ngayon, eh, masayang masaya uli,” sabi ni Vice.

Anyway, simula nang ipatikim ang teaser ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry ni Vice na Fantastica ay trending ito sa social media. Nakakatawa ang mga eksena kung saan ini-spoof niya sina Pia Wurtzbach, Jaclyn Jose at ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Isang dire-diretsong spoof ng The Hows of Us, feeling ko ‘yun ang Fantastica ng katatawanan,” ani Vice.

-ADOR V. SALUTA