Ipinagdiinan ni dating Bureau of Customs (BoC) commissioner at ngayon ay Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Isidro Lapeña na ginawa niya ang “right thing” sa pag-iisyu ng Manual Alert Orders (MAO) at sinabing kung hindi dahil dito ay hindi madidiskubre ang ilegal na pag-release sa mga container.

Sa isang pahayag, ipinagdiinan ni Lapeña na kung hindi dahil sa 22 alert orders na kanyang inisyu laban sa mga shipment, na nasa kabuuang 119 na container, hindi madidiskubre ang ilegal na pag-release sa 105 container at magpapatuloy ang modus.

Sinabi niya na ito ang “right thing that was supposed to be done at that time.”

Binanggit niya na alam niya na posibleng matagal na ang modus bago pa man siya manungkulan sa BoC at muling inulit na sa kanyang pamamahala ito nadiskubre.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It was under my watch that we discovered 105 containers illegally released from the terminal, through the use of fake documents. In fact, I have filed criminal cases against 53 involved personalities and I referred to PACC the case of Port of Manila District Collector at the time for failure to observe relevant procedures that led to the unauthorized release of said shipments,” sabi ni Lapeña.

Samantala, patuloy na ini-enjoy ni Lapeña ang tiwala ni Pangulong Duterte sa kabila ng kasong graft laban sa kanya, sinabi ng Malacañang, kahapon.

Kahit na tiniyak ng Palasyo na walang pipiliin laban sa kurapsiyon, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na si Lapeña ay nananatiling inosente hanggat hindi napapatunayang guilty.

“We point out that Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director-General Isidro Lapeña has the constitutional right to be presumed innocent,” ani Panelo.

-Dhel Nazario at Genalyn Kabiling