CHOICE ni Rhian Ramos ang pamamahinga sa trabaho sa telebisyon sa loob ng halos mag-iisang taon na.

Rhian

Nang makausap namin sa lunch kahapon bago ginanap ang press preview ng Kung Paano Siya Nawala na pinagbibidahan niya, katambal si JM de Guzman, ang kawalan ng kontrata niya sa GMA Network ang itinuturo niyang posibleng dahilan ng mga nasusulat na lilipat siya sa ABS-CBN.Mariin niyang pinabulaanan ang tsismis.

Nakatakda siyang tumira ng tatlong buwan sa New York (sakop ang Holiday Seasons) para ituloy ang pagbabakasyon at para sa acting course na kanyang kukunin, at pag-uwi ay gusto niyang sa GMA-7 pa rin magpatuloy ng trabaho.Health and sanity ang dahilan ni Rhian kung bakit sinadya niyang magpahinga muna sa ngaragang trabaho.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“Well studied naman ‘yon, di ba, na kapag nasosobrahan ka ng trabaho at puyat o lampas na ng 16 hours na wala kang tulog mas madali kang tamaan ng dementia,” kuwento niya.Malayo pa ang gustong marating ni Rhian sa entertainment industry.

Sa ngayon, co-producer siya ng TBA Productions sa Kung Paano Siya Nawala. Interesado siyang ituloy ang pagiging producer at naghahanap na siya ng bagong script na muling sisindi sa passion niya.

Improvisational Comedy naman ang pag-aaralan niya sa New York.

“Before I joined showbiz, akala ko sa comedy ako malilinya, kasi ‘yon talaga ang dream ko. Pero napunta ako sa drama. Matagal akong naghintay na magkaroon ng project na malayo sa drama, pero wala namang dumating.”Hindi na siya maghihintay, kaya magiging proactive na siya sa tatakbuhin ng career niya.

Uumpisahan niya sa Improv classes.Marami ang nag-akalang mawawasak ang career ni Rhian sa matinding kontrobersiyang kagagawan ng ibang tao. Pero nagkamali sila.

Palaban sa buhay at hindi siya basta-basta sumusuko sa mga pagsubok.Natuto na rin siyang mamuhay nang tahimik.

“Dati sumasagot ako sa bashers, but not anymore. Kung minsan, source na rin lang ng amusement lalo na kung mali ang spelling at grammar.”

Minsan din niyang sinubukang sabihin sa haters na, “I come in peace. Pero ‘di naman sila interesado sa peace, so dedma lang.”

-DINDO M. BALARES