ILULUNSAD ngayong linggo ng Department of Science and Technology (DoST) ang programang “Science for the People” sa Calabarzon, kasabay ng pagbubukas ng mga bagong pasilidad, paglulunsad ng roadshows, communication plan, institutional videos, at isang libro.
Ayon kay DoST Calabarzon Regional Director Alexander R. Madrigal, nakipagtulungan ang DoST’s science and technology (S&T) team sa Calabarzon para sa paglulunsad ng Regional Science and Technology Week (RSTW) 2018.
Kabilang sa nakalatag na mga aktibidad ang paglagda sa memorandum of agreement para sa pagtatayo ng Tsunami Early Warning System sa Pacific grid ng rehiyon, na sumasakop sa mga silangang isla ng Quezon sa bayan ng Jomalig, Panukulan at ang baybayin bayan ng Calauag.
Magiging bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbubukas ng Provincial Science and Technology Center (PSTC) at ang Center for Hazard and Environmental Resource Mapping (CHERM) service laboratory sa Quezon.
Itatampok din dito ang paglulunsad ng Makapuno Island products, ang pagpaparangal sa Best Small Enterprise Technology Upgrade Program (SETUP), at ang community-based program (CBP) adoptors sa Quezon Convention Center sa Lucena City.
Idinagdag din ni Madrigal na ngayong Martes, ilulunsad sa Antipolo ang Regional Design and Creativity Hub for Innovation in MSMEs and Education (RDCHIME) service laboratory sa Rizal PSTC, kasabay ng turnover para sa Infra Audit Protocol Manual.
Sa Antipolo rin umano gaganapin ang paglagda sa MOA para sa Micro Hydro Assessment ng Hinulugang Taktak Hazard and Environmental Resource Mapping.
Umaasa naman ang mga opisyal ng DoST-Calabarzon para sa mas masiglang RSTW ngayong taon, matapos makatanggap ang kanilang opisina ng Philippine Quality Award Level 1 para sa kanilang “commitment to quality management” sa isang seremonya sa Malacañang, nitong Oktubre 24.
“Coming from an independent body, the award is a true affirmation of our organization’s commitment to quality, abiding by the very basic qualities of S&T: systematic, accurate, precise, knowledge-based,” pahayag ni Lydia S. Manguiat, DoST-Calabarzon’s assistant regional director for technical operations, sa isang panayam.
“Our people will always be our best asset. We have excellent projects because we have excellent people. I hope that we at the DOST can live up to the ideals that this award stands for. DOST-Calabarzon has made significant contributions in improving the lives of the people of Calabarzon by bringing the S&T closer to them,” dagdag ni Emelita P. Bagsit, regional director for finance and administrative services ng ahensiya.
PNA