NAKIRAMDAM muna bago humataw ang National University Lady Bulldogs para itarak ang 97-41 panalo kontra sa University of the Philippines at hilahin ang winning run sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.
Mula sa 13-18 iskor sa unang 10 minuto, mistulang diesel na naginit at humarurot ang Lady Bulldogs para mailayo ang laban sa 45-25 sa halftime.
Hataw si Melody Cac sa NU sa naiskor na 17 puntos para sandigan ang lady Bulldogs sa ika-77 sunod na panalo at isang laro ang layo para sa panibagong sweep sa elimination round ng liga.
“I have to give them time. The potential is not yet there, but I hope the more games we play, they can make it up and show why they’re here in NU,” pahayag ni NU coach Patrick Aquino, patungkol sa paglaro ng lahat ng kanyang bench players.
Kumana naman si reigning MVP Jack Animam ng 15 puntos at 12 rebounds, habang tumipa si Ria Nabalan ng 13 puntos, anim na boards at apat na assists.
Nanguna si Lourdes Ordoveza sa UP (0-13) na may 11 puntos.
Iskor:
NU (97) — Cac 17, Animam 15, Nabalan 13, Itesi 10, Fabruada 6, Bartolo 6, Pingol 6, Cacho 5, Harada 4, Canuto 3, Camelo 3, Ceno 3, Layug 3, Del Carmen 2, Goto 1.
UP (41) — L. Ordoveza 11, Ferrer 8, Cruz 7, Gonzales 4, Rodas 3, Bascon 3, Medina 2, Rivera 2, Larrosa 1, Amar 0, Moa 0, Hidalgo 0, De Leon 0, Lebico 0, C. Ordoveza 0.
Quarterscores: 13-18; 45-25; 74-35; 97-41.