PINATAOB ng De La Salle University ang Ateneo de Manila University Lady Eagles sa mismong homecourt ng huli, 57-39, kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 Women’s Basketball Tournament sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Dahil sa panalo, umangat ang Lady Archers sa markang 8-5, at makaagwat sa dating katabla nilang Adamson Lady Falcons at University of Santo Tomas Growling Tigresses.

“We want to control our own destiny,” pahayag ni Lady Archers head coach Cholo Villanueva. “We are not looking at any scenarios, just winning the games that we need to win so we can control our fate.”

Mula sa kontrolado nilang laro sa first half, nakalapit pa ang Lady Eagles at tinapyas ang dating 13-puntos na kalamangan ng Lady Archers sa apat papasok sa fourth quarter sa pamumuno ni Alyssa Villamor na nagsalansan ng walong puntos sa nasabing period.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Ngunit, nakabawi naman sa takdang oras ang Lady Archers at nagsalansan ng 17-2 blast upang siguruhin ang panalo.

Pinangunahan ni Khate Castillo ang tatlong Lady Archers na tumapos na may double-figures sa itinala niyang 13 puntos kasunod si Bettina Binaohan na nagposte ng kanyang season-high 11 puntos at anim na rebounds at skipper Camille Claro na may 10 puntos.

“I think it’s a good thing for us to win this game this way so that we can sustain our momentum in our final game,” dagdag pa ni Villanueva. “It’s different with this group e. If we keep on playing, the confidence keeps going up. Hopefully, we sustain it.”

Ang kabiguan ang ikatlong sunod ng Lady Eagles na nagbaba sa kanila sa markang 4-9.

Tumapos na topscorer sa natalong Ateneo si Villamor na may 11 puntos.

-Marivic Awitan