NAGSIMULA na ang paghahanda ng Team Pilipinas Gilas at lutang na lutang sa kanilang unang ensayo nitong Lunes sa Meralco gym ang big men na sina 6-foot-9 June Mar Fajardo at 7-foor-1 Kai Sotto.

Target ng National team, sa pangangasiwa ni head coach Yeng Guiao, na makalusot sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Dumating din sa ensayo sina Gabe Norwood, Matthew Wright, Arwind Santos, Jayson Castro, Troy Rosario, Alex Cabagnot, Poy Erram, Marcio Lassiter, at Ricci Rivero.
Hindi pa nakadalo sina Magnolia duo Paul Lee at Ian Sangalang, gayundin sina Ginebra standouts LA Tenorio, Scottie Thompson, Greg Slaughter at Japeth Aguilar na kasalukuyang sumasalang sa best-of-five semifinals series ng PBA Governor’s Cup.
Hindi naman nakasipot sina San Miguel stalwart Christian Standhardinger at NorthPort guard Stanley Pringle.
Haharapin ng Team Pilipinas ang Kazakhstan sa Nobyembre 30 at Iran sa Disyembre 3 sa MOA Arena.