PALO, Leyte – Kulong ang isang barangay councilor matapos na maaresto sa buy-bust operation sa Barangay San Pedro, Quinapondan, Eastern Samar, nitong Linggo.

Kinilala ang suspek na si Ronilo Seberre, 43, residente at councilor ng Bgy. Naga, Quinapondan, Eastern Samar.

Inaresto si Seberre matapos na magbenta ng umano’y ilegal na droga.

Nasamsam s a kanya ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at P1,000 bill.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Ayon kay Eastern Visayas Police Director PCSupt. Dionardo Carlos, naaresto ang suspek sa pinaigting na kampanya kontra droga.

"The continued support and cooperation of the community is also needed in wiping out all forms of illegal drug activities in the region," sambit ni Carlos.

-Marie Tonette at Grace Marticio