ANG isa bang artista kung nahihirapan na, hindi puwedeng magreklamo? Dumating din pala sa ganitong punto si Alden Richards habang nagti-taping ng kanyang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol.

Alden Richards Sta. Ana copy

“Opo, noong lagi akong nakasuot ng costume ni Hammerman,” sagot ni Alden sa press visit sa set nila sa Sta. Ana Manila. “Mainit po talaga ang costume at kung tulad ngayon na mainit ang panahon, talagang mahirap. Pero nang tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang crew na nagtatrabaho sa init ng araw, nagbubuhat ng mabibigat na gamit sa taping, samantalang ako, before and after the take nasa aircon tent na para magpahinga. Mapapaisip ka talaga.”

Mami-miss ni Alden ang lahat ng mga kasama niya sa Victor Magtanggol mula sa buong cast, kay Direk Dominic Zapata at buong production team at crew, dahil matagal din silang nagsama-sama, simula pa noong Marso bago ang Holy Week. Sa Biyernes na magtatapos ang naturang serye. Today, Wednesday, on location pa sila sa Cavinti, Laguna, dahil doon magaganap ang big scene, ang huling pakikipaglaban ni Hammerman sa mga tauhan ni Loki (John Estrada). Sino kaya ang huli niyang makakalaban? Halos umabot din sila ng eight months sa taping para sa 16 weeks na airing nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Siguradong marami pang pasabog na mangyayari sa serye ngayong Miyerkules hanggang Biyernes.

Pero tikom ang bibig ng mga kausap naming cast kung paano magwawakas ang “Victor Magtanggol.” Isa lamang ang nag-reveal sa amin, ang young actor na si Yuan Francisco as Meloy, pero hindi na namin isusulat.

May time nang magpahinga muna si Alden, at mapapanood na siya sa Eat Bulaga at sa Sunday PinaSaya.

Approved na rin ng GMA Network ang ten days vacation na hiningi ni Alden.

“Aalis po kami ng family ko sa December 18 at babalik kami ng December 28. Hindi po ako pwedeng mag-extend ng bakasyon dahil panata ko na po taun-taon ang GMA New Year’s Countdown sa SM Mall of Asia sa December 31. Sinimulan ko po iyon sa first year ko pa lamang as a Kapuso eight years ago. Sa December 8 po ang 8th year anniversary ko na sa showbiz.”

Natanong nga pala namin si Alden tungkol sa Twitter post niyang “The blessings you get when you least expect it...maiiyak ka na lang. Iba ka LORD.”

Ano ba ang blessings na tinutukoy niya? “Akin na lamang po iyon, Tita.” Nakangiting sagot ni Alden.

-NORA CALDERON