Dalawang public school teachers ang binigyang pagkilala sa 2018 Brightest STAR (Science Teacher Academy for the Regions) Award, sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, kamakailan.

Kinilala ng Department of Education (DepEd) ang mga nasabing guro na sina Mary Grace Bumanlag, ng President Diosdado Macapagal High School sa National Capital Region (NCR), para sa Science category; at Geyl Abainza, ng Marcial O. Rañola Memorial School sa Region 5, para sa Mathematics category, bilang Brightest STARS.

Bukod sa tinanggap na plake ng pagkilala, ang dalawang guro ay tumanggap rin ng tig-P100,000 cash.

Sinabi ng DepEd na ang pagbibigay ng parangal ay pinangunahan ng Science Education Institute ng Department of Science and Technology (DoST), at ipinagkakaloob sa science at mathematics teachers na dumalo sa STAR trainings at matagumpay na nakapag-adopt ng kaalaman at kasanayan sa kanilang pagtuturo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Mary Ann Santiago