PATULOY na napakikinabangan ang “Gulayan sa Paaralan Program” (GPP) ng pamahalaan sa pagsusulong sa kaalaman sa kalusugan at nutrisyon sa mga mag-aaral.

Ayon kay Department of Agriculture (RA)-Region 11 Director Ricardo Oñate, ang Gulayan sa Paaralan, na bahagi ng High-Value Crops Development Program (HVCDP) ng kagawaran, ay naging magandang instrumento laban sa malnutrisyon sa mga mag-aaral at sa lokal na mga komunidad.

Ang programa, aniya, ay isang proyektong pinagtulungan ng DA at ng Department of Education (DepEd).

Nitong Biyernes, pinangunahan ni Oñate ang seremonya para sa pagpaparangal sa Best GPP implementers para sa taong 2018-2019.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kabilang sa mga nagwagi ang Container Garden, elementary category, ng Guihing Central Elementary School sa Davao del Sur (unang gantimpala); ang Mawab Central Elementary School sa Compostela Valley (ikalawa); at ang Tuburan Village Elementary School sa Davao Oriental (ikatlo).

Wagi rin ang Container Garden, high school category, ng Tagum City National Comprehensive High School sa Davao del Norte (una); Basiawan National High School sa Davao Occidental (ikalawa); at Andili National High School sa Compostela Valley Province (ikatlo).

Kinilala rin ang nagsipagwagi sa field garden category para sa elementarya at sekondarya.

Pinuri naman ni Oñate ang pagsisikap ng mga evaluators, na binubuo ng mga tauhan ng DA at DepEd, gayundin ang mga Gulayan sa Paaralan coordinator ng mga nakilahok na paaralan para sa tagumpay ng proyekto.

“It is very comforting to witness how the GPP has evolved not only as an effective advocacy tool but also on how it has mobilized and transformed various schools and communities into a united and bankable force in our fight against malnutrition,” sabi ni Oñate.

Nabanggit din niya ang tagumpay ng Gulayan sa Paaralan sa pagpapababa ng kaso ng malnutrisyon sa mga mag-aaral, na nagresulta sa pagtaas ng scholastic performance.

PNA