MAPAPANOOD na sa big screen sa susunod na taon ang first-ever live-action Pokémon movie, ang POKÉMON Detective Pikachu.

Ryan at Pikachu

Sa trailer ng Detective Pikachu, na inilabas nitong kahapon, narinig ng viewers ang talking voice ni Pikachu, na binosesan ni Deadpool actor Ryan Reynolds.

Ipinakita rin sa clip ang pasilip sa beloved pocket monsters na sina Charizard, Bulbasaur, Jigglypuff, Psyduck, Mr. Mime, at ang lugar kung saan sila namumuhay kasama ang mga tao, sa Ryme City.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang POKÉMON Detective Pikachu ay magsisimula sa journey ng 21 taong gulang na si Tim Goodman (Justice Smith) para hanapin ang kanyang nawawalang tatay niyang si Harry. Sa kalagitnaan ng paghahanap ni Tim, nakilala niya ang adorable, intelligent, wise-cracking na si Pikachu, na dati palang Pokémon partner ng tatay niya.

Ang pelikula, na idinerihe ni Rob Letterman — ang personalidad sa likod ng Goosebumps at Monsters Vs. Aliens — will “electrocute” audiences sa big screen sa May 10, 2019.

-Manila Bulletin Entertainment