Umaasa si Jimmy Yabo sa kanyang karanasan sa mixed martial arts sa panibagong laban niya sa ilalim ng ONE Championship banner.

(One Championship photo)

(One Championship photo)

Ang dating Philippine National Taekwondo Champion ay nakaiskedyul na makalaban sa baguhang si Zach “God’s Warrior” Zane sa undercard ng ONE: WARRIOR’S DREAM, na gaganapin sa Stadium Istora sa Jakarta, Indonesia sa Sabado, ika-17 ng Nobyembre.

Ito ang magiging unang laban ni Yabu ngayong 2018 at sa kabila ng pagiging laging nasa tabi o gilid lang ng cage sa loob ng isang taon, ang 37 anyos na laking Cebu City ay patuloy na naging positibo na kaya niya pa ring magpakitang gilas sa loob ng cage.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I’ve been competing for almost a decade. My edge coming into this fight is my experience. I have fought different caliber of opponents throughout my career. I’m flying to Jakarta with one objective, and that's to win,” inilahad niya.

Kasama ng lumalaking linya ng mga atleta ng ONE Championship simula pa 2015, ang pinakamatagumpay na panalo ni Yabo ay nang ma-knock out niya Bashir Ahmad ng Pakistan sa loob lamang ng 21 seconds gamit ang kanyang right cross noong Pebrero 2016 sa ONE: TRIBE OF WARRIORS.

Si Zane naman ay isang Faith MMA expert na may record na win-loss slate na 10-7 at magkakaroon ng promotional debut sa ONE Championship sa Sabado.

Ang 28 anyos na dating MFC Featherweight Champion ay isang wizard sa mat dahil sa sampung laban niya ay pito ang panalo dahil sa pagsuko ng kalaban.

Dahil sa anim na sunod sunod na panalo ni Zane, inaasahan na maiuuwi niya ang panalo laban kay Yabo lalo na’t nag-iwan siya ng magandang impresyon sa 70.3-kilogram weight class ng promotion.

Sa kabila ng galing ng kalaban niya, naniniwala si Yabo na sa huli ay ang kamay pa rin niya ang itatas dahil sa pagkakapanalo sa laban sa ONE: WARRIOR’S DREAM.

“I know this is a tough assignment, but I do believe in my capabilities. This is the kind of challenge I’m looking forward to. I have faced a lot of outstanding opponents in the past, and I know I can handle them,” pagtatapos niya..