SUMIKAT nang husto noon ang pangalang Jigs Recto bilang writer at movie director nang ipalabas noong 1989 ang pelikulang Bilangin Ang Bituin Sa Langit, at pagkatapos nu’n ay sunod-sunod na ang paggawa niya ng mga pelikula, kabilang ang Lalamunan, Kasalo, at iba pa.

Direk Jigs

Direk Jigs

Medyo matagal-tagal ding nabakante si Direk Jigs sa pagsusulat at pagdidirek nang sumapit na ang Millennial era, dahil nag-concentrate siya sa pagtuturo sa mga acting workshop.

Pero lately ay nakagawa pa rin siya ng dalawang advocacy films, ang Fatima Ang Tunay Na Yaman, at nito ngang Sabado night, November 10, ay nagkaroon ng advance screening ang Isang Butil Na Kahapon, produced by Madam Norma Gay of Vegalaya Productions. Tampok sa movie sina Irma Adlawan, Alvin Anson, Myrtle Sarrosa, and a lot more.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Bago nagsimula ang screening ng Isang Butil Na Kahapon ay nagkaroon muna ng munting programa, at nag-speech si Direk Jigs about film making, etcetera, at iba pa.

“Nun’g dekada 70s at 80s ay buhay na buhay ang ating movie industry, na halos taun-taon noon ay 400 films ang nagagawa.

“Pero ngayon ay masasabi kong unti-unti nang pinapatay ang ating industriya at lumalaban lamang kapag may mga festivals.

“Halos karamihan ay pulos indie films na ang ginagawa sa ngayon. Na halos karamihan—hindi naman lahat—sa mga indie film directors ay pinabili lang ng suka, lalo na ‘yung mga gumagawa lang ng sex films para bumenta sa mga manonood ang kanilang ginawa,” bahagi ng speech ni Direk Jigs na tumatak sa isipan ni Yours Truly.

Dekada ’90 nang mauso ang phrase na “pinabili lang ng suka”, na ang ibig sabihin ay parang hindi naman sineryoso ang ginawa, o tipong masabing nakagawa lang.

Anyways, positibo ang mensahe ng Isang Butil Na Kahapon, na pinagtulungang bunuin sa panulat nina Franco Arce at Direk Jigs, FAMAS at PAP awardee, na tumatalakay sa kahalagahan ng edukasyon bilang epektibong sandata para makalaya sa kahirapan at kamangmangan ang mga nasa kabundukan at kabukiran.

Bagamat advocacy film itong Isang Butil Na Kahapon, mayroon pa rin itong mga kilig romantic moments para sa mga bagets, or mga estudyante na target audience nito. Sa katunayan, as of this writing ay marami nang mga schools at civic organizations ang nakipagkasundo sa Vegalaya Productions ni Madam Norma Gay para maipalabas ito sa kani-kanilang lugar.

-MERCY LEJARDE