SINGAPORE - Dumating na kagabi sa Singapore si Pangulong Duterte upang dumalo sa tatlong araw na 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Dakong 8:00 ng gabi nang lumapag sa Changi Airport ang pribadong eroplanong sinakyan ng Pangulo.

Nakatakda rin siyang magtungo sa Port Moresby sa Papua New Guinea para sa Asia-Pacific Economic Forum sa Huwebes ng gabi.

Kabilang sa delegasyon ng Pilipinas sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez III, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Trade Secretary Ramon Lopez, at Social Welfare Secretary Rolando Bautista.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Kasama rin ng Pangulo sa Summit sina National Security Adviser Hermogenes Esperon, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, Philippine Permanent Representative to ASEAN Elizabeth Buensuceso, at Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap.

Siksik ang sechedule ng Pangulo ngayong Martes ng gabi, dahil nakatakda siyang dumalo sa limang ASEAN events, kabilang na ang working dinner at Summit Plenary.

Pagsapit ng Miyerkules, magkakaroon ng hiwalay na pagpupulong ang mga ASEAN leader sa Australia, China, South Korea, Russia, at Japan.

Inaasahan din ang isang working lunch na pangungunahan ni ASEAN Chairman Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, sa Miyerkules.

Sa Huwebes, magkakaroon din ng magkakahiwalay na pagpupulong ang Southeast Asian leaders, sa

India, at Amerika.

Magsasagawa rin ng ASEAN Plus Three Summit, at East Asia Summit kinahapunan bago ang pagtatapos ng 33rd ASEAN Summit at ang ceremonial turnover ng chairmanship ng Kingdom of Thailand.

-Argyll Cyrus B. Geducos