Mga Laro Ngayon
(MOA Arena, Pasay City)
2:00 n.h. -- CSB-LSGH vs Mapua (jrs)
4:00 n.h. -- San Beda vs LPU (srs)
MAKABANGON kaya ang Pirates o tuluyang madomina ng San Beda Red Lions ang serye para sa back-to-back title.
Inaasahang mas mabangis ng Pirates ang haharap sa Lions, sa pagbabalik laro ni last year MVP CJ Perez sa Game 2 ng kanilang best-of-three title series sa 94th NCAA basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.
Naging madali sa Lions ang Game 1 nang hindi makalro si Perez bunsod ng suspension na ipinataw ng Management Committee. Ngayong, nasa line up si Perez inassahang mas maaskyon ang tagpo ng laban.
“They’re a different LPU team without CJ (Perez) but we really prepared against CJ and we’ll see what happens,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez.
Sa kabila ng pagkawala ni Perez, nagawang lumaban ng dikit ng Pirates at ito ang ikinababahala ng Red Lions coach.
Kumpiyansa naman si Pirates coach Topex Robinson sa magiging laban ngayong balik laro na ang kanyang pambatong player.
“We’re excited to have him back,” sambit ni Robinson.
Sa juniors’ play, target ng La Salle Greenhills na tapusin ang serye laban sa Mapua ganap na 2:00 ng hapon.