MAY konek sa tunay na buhay ni Christian Bables ang karakter niya sa Recipe for Love, dahil marunong palang magluto ang aktor.

Christian copy

Pasta ang paboritong lutuin ni Christian, at aminado siyang kapag inspired at masaya siya ay masarap ang luto niya.

Eh, kapag malungkot si Christian, anong lasa ng niluto niya?“Lasang engkanto ang niluto ko. Ha, ha, ha!” sabi ni Christian sa mediacon ng movie nila ni Cora Waddell.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tinanong namin kung marunong magluto ang girlfriend niya.

“Hindi,” napangiting sagot niya. “Kaya ako ang magluluto.”Natanong din namin si Christian kung ano ang dream role niya, na tingin niya ay kayang-kaya niyang gampanan.

“Maging suicide bomber,” sabi ni Christian. “Kasi kung iisipin, ang daming pinagdadaanan ng isang suicide bomber at kung bakit siya pumayag. Kaya mga ganu’n ang gusto kong pag-aralan.”

At dahil may kinalaman sa depression ang pagpayag na maging suicide bomber, natanong namin si Christian kung naranasan na niyang ma-depress.

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

Hindi niya naisip na kitilin ang buhay niya?“Hindi, matatag ang kapit ko kay God at support system ko, sobrang okay.”

Ano ang payo ni Christian sa mga nakakaranas ng depresyon ngayon?“Gusto kong sabihin na it’s okay na not to be okay. If you feel lonely or blue, it’s okay, embrace it. Just be aware na hindi lahat kakayanin mo by yourself, kaya nandiyan si God. Kasi lahat ng hindi mo kaya, siya (God) ang magke-carry for you. So you’ll be fine, you’ll be safe, just trust him.”

Oo nga, dahil hindi naman laging nasa baba ang mga taong nakararanas nito, kaya kapit lang kay God.

Mapapanood na ang Recipe for Love sa Nobyembre 21, sa direksiyon ni Jose Javier Reyes, produced ng Regal Entertainment.

-Reggee Bonoan