BORN winner si Maymay Entrata, ang isa sa mga paboritong kuning products endorsers sa hanay ng young stars ngayon.Malakas ang karisma niya. Matatandaan na siya agad ang napansin sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 at kalaunan ay siya nga ang tinanghal na big winner.Marami ang umaasa na hindi lang sa showbiz lalaki ang pangalan ni Maymay kundi maging sa fashion industry. Nagiging paborito siyang modelo ng mga sikat na fashion designers.

Maymay copy

Sa rami ng fans, agarang naita-translate sa sales ang endorsement ni Maymay. Kaya siya rin ang kinuhang unang image model ng Megan skincare line na mabilisang nakikilala sa market.“With a witty nature, a caring attitude, and a personality that radiates confidence, Maymay surely embodies the brand Megan, a brand which name stands for strong, capable, practical and true to one’s self- qualities Megan and Maymay share,” sabi ng Megan executive nang iharap sa media conference ang young star nitong nakaraang Huwebes sa Sequia Hotel.“Megan stays true to its mission of taking care of Filipinas’ skin by stressing the importance of a clean skin that can easily be achieved with Megan’s facial skin care products that leaves your skin free of blackheads, whiteheads and skin impurities for a cleaner skin that brings out the natural beauty of Filipinas,” sabi pa ng Megan exec.Ang tanong namin kay Maymay, ano ang edge niya sa mga kasabayan niya at mukhang siya ang nakakakuha ng mas maraming tagahanga at endorsements?“Naku, sobra naman ‘yon!” parang nahihiyang reaksiyon ng dalaga. “Pero siguro po ‘yong pagiging totoo ko lang sa sarili ko. Siguro ‘yong hindi ako nagkukunwari na iba ako.”

Baguhan pa lang sa showbiz pero maraming dapat matutuhan kay Maymay ang ibang artista na nauna pa sa kanyang pumasok sa industriya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Simulang mag-artista, wala pang production people na nagreklamo laban sa kanya. Napapanatili kasi niya ang likas na kabaitan at pagpapakumbaba kahit sumikat na siya.

Katangian ito na madaling mabura sa iba kahit nadaanan lang naman ng konti ng limelight.

Sana lang, sila ang mahawa kay Maymay at hindi ang kabaligtaran.

-DINDO M. BALARES