HINDI na nakatiis si Sheena Halili at sinagot na ang mga akusasyong bad influence siya kay Maine Mendoza, dahil mula raw nang maging magkaibigan sila nang magkasama sa GMA-7 teleserye na Destined To Be Yours, ay nagkaroon na ng sunud-sunod isyu si Maine.

Maine copy

Pati ang pagkaka-link ni Maine kay Arjo Atayde, kay Sheena isinisisi. Pero kuwento ng isang kaibigan, kung sina Sheena at Maine ay magkaibigan, matagal na ring magkaibigan sina Arjo at ang fiancé ni Sheena.

Anyway, heto ang ilang parte ang post ni Sheena sa Instagram (IG): “Nababasa ko ang lahat ng comments ninyo. Pero eto sasagutin ko.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Ang totoong Christian hindi Judgmental :) may puso, respeto sa kapwa, hindi nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng kapwa, hindi selfish. Mapang-unawa. Mapagmahal! Hindi nananakit ng kapwa. Hindi nagsasalita nang masama. Siguro sa ating dalawa- ako un, hindi ikaw.

“AT ang pagiging Christian hindi nababase sa social media. Nasa puso ‘yun. Wala ako dapat i-prove sayo dahil ako naman ang haharap kay Lord at siya lang din nakakaalam ng puso ko.

“Mahal na mahal ako ng mga taong nakapalibot sa akin (bakit kaya?) At ang pagiging Christian hindi sinabi ng Diyos na maging perpekto ka. Bawal lumabas, at bawal makihalubilo sa hindi Kristyano, Mahal niya ako. Kahit ano at sino ako. Hindi pa rin ako tapos sa walk ko sa life kaya palagi akong may chance maayos ang buhay ko.

“Wala akong tinatapakan. Ang alam ko bawal po ang self righteous. Mahal ko mga kaibigan ko at pamilya ko kahit sino at ano pa sila. Alam n’yo sa totoo lang nakakalungkot kasi maraming hindi Christian pero napakalaki ng puso. Hindi sila nanghuhusga. Kahit masama ‘yung tao, minamahal at pinakikinggan nila para palakasin ang loob at para iparamdam na masarap mabuhay.

“I know my limitations. Lahat ng ginagawa ko ay may blessings na rin ng parents ko at mapapangasawa ko. I’m 31. Nasa age na ako bago ko gawin ‘yan. At ‘di ako nagkakalat.

“‘Di pa rin ako nagbabago. I am not perfect tulad ninyo. I pray na malaman mo ano ang magpatawad at tumanggap ng iba’t ibang ugali ng tao. Hindi natin sila pagmamay-ari.”

-NITZ MIRALLES