NGAYONG Nobyembre ay magbibida ang dalawang kapwa mahusay na aktor ng GMA Network na sina Ruru Madrid at Ken Chan sa three-part anniversary special ng Maynila, ang “Magkapatid, Magkaribal.”

Ruru at Ken

Gagampanan nina Ruru at Ken ang karakter nina Red, ang nakakatandang kapatid na nais maramdaman ang atensyon at kalinga ng kanilang ina; at Blue, ang matalino, responsable at maunawaing nakababatang kapatid.

Hindi mapaghiwalay noon sina Red at Blue. Ngunit ang kanilang relasyon ay unti-unting nagkalamat nang masaksihan ni Red ang pagkamatay ng ama dahil sa pagtatanggol kay Blue.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Hindi mapatawad ni Red ang kapatid. Nagsimula na siyang gumawa ng krimen sa kanilang komunidad. Mas lumala ang kanilang hidwaan nang maging kasintahan ni Blue si Peachy (Ayra Mariano), ang dating girlfriend ni Red.

Magpatuloy kaya ang inggit na nararamdaman ni Red kay Blue? Handa bang isakripisyo ni Blue ang kanyang relasyon kay Peachy upang mapatawad ng kanyang Kuya?

Sa ilalim ng direksyon ni Phil Noble, sundan ang kanilang kwento sa anniversary special ng Maynila simula ngayong Sabado, Nobyembre 10, 9:40 ng umaga sa GMA.