NASUNGKIT ng Baguio City-based MMA stable Team Lakay ang major awards, kabilang ang Gym of the Year sa ginanap na 2018 Global Martial Arts Awards nitong Huwebes sa JW Marriott Hotel Singapore South Beach.

Tinanghal na Martial Arts Hero of the Year si Filipino superstar Eduard “Landslide” Folayang matapos ang dominantent panalo kontra sa dating walang talo na si Kharun Atlangeriev ng Russia at Aziz Pahrudinov ngayong taon matapos ang ilang serye ng kabiguan.

Kinila naman bilang ‘Submission of the Year’ ang panalo ni ONE strawweight champion Joshua “The Passion” Pacio kay Pongsiri Mitsatit nitong Hulyo. Napabantog ang naturang laban bunsod nang ‘unorthodox rear naked chicken wing style ni Pacio na tinawag na “The Passion Lock.”

Nakuha naman ni Team Lakay patriarch Mark Sangiao ang ‘Coach of the Year’ award para makumpleto ang matagumpay na pagkilala sa galing at husay ng Pinoy sa mixed martial arts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Si Sangiao ang nangangasiwa sa laban ng Team Lakay na kinabibilangan din nina Geje Eustaquio’s flyweight championship, Pacio’s strawweight title and Kevin Belingon’s interim bantamweight gold.

Magbabalik aksiyon si Folayang kontra Singaporean Amir Khan sa co-main event ng ONE: Conquest of Champions sa Nov.23. Rafael Bandayrel