Kumpiyansa ang Department of Transportation (DOTr) na matapos ang 26 na buwan ay maibabalik na sa orihinal na estado nito ang Metro Rail Transit (MRT)-Line 3, na isasailalim na sa rehabilitasyon matapos na malagdaan ng pamahalaan at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang P18-bilyon loan agreement para rito.

Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy John Batan, layunin nilang mapahusay ang sistema ng MRT para makapagbigay ng mabilis, maaasahan, at ligtas na transportasyon.

Isa, aniya, ang pagdaragdag ng train capacity sa plano nilang gawin, na sisimulan sa unang pito hanggang siyam na buwan ng rehabilitasyon, habang ang full restoration naman ay inaasahang makukumpleto matapos ang 26 na buwan.

Gayunman, tiniyak ni Batan na kahit na bumuti na ang serbisyo ng MRT at makumpleto ang rehabilitasyon ay hindi sila magpapatupad ng dagdag-pasahe.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Mary Ann Santiago