MULA sa survey data ng Nielsen TV Audience Measurement, patuloy ang pangunguna sa nationwide TV ratings game ng GMA-7 nitong nakaraang Oktubre.

Umabot sa 41.1 percent average total day people audience share ang nakuha ng Siyete sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement) sa buong Oktubre (batay sa overnight data ang Oct. 28-31), samantalang 37.2 percent naman ang naitala ng ABS-CBN.

Simula sa umaga hanggang evening block, mas marami pa rin ang nanonood sa GMA Network sa pangunguna ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Pumangalawa sa listahan ng top programs ang bagong Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza, pangatlo ang Pepito Manaloto, at kasunod naman ang 24 Oras, Studio 7, Onanay, Daig Kayo ng Lola Ko, Magpakailanman, Victor Magtanggol, at Amazing Earth. Kasama rin sa listahan ang Inday Will Always Love You, 24 Oras Weekend, Wowowin, Pamilya Roces, Eat Bulaga, Imbestigador, at Asawa Ko Karibal Ko.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Patuloy ang pamamayagpag ng Kapuso Network sa viewer-rich areas ng Urban Luzon at Mega Manila, na bumubuo sa 72 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa.

N a g t a l a a n g G M A n g 4 6 . 9 percent average total day people audi e n c e s a Ur b an Luz on versus 30.9 percent ng ABS-CBN. Sa Mega Manila (base sa official data mula October 1-27), nakakuha ng 49.1 percent average total day people audience share ang Siyete kontra sa 28.1 percent ng ABS-CBN.

Sa listahan ng top 30 shows sa Urban Luzon ay 22 spots ang nagmula sa GMA samantalang 24 spots naman sa Mega Manila.

-DINDO M. BALARES